MANILA, Philippines - Binalaan ni Panama-nian challenger Luis ‘Pan Blanco’ Rios si Filipino world light flyweight champion Johnriel CaÂsimero na maghanda nang husto para sa kanilang salpukan sa Marso 16 sa Megapolis Convention Center ng Hard Rock Hotel Panama.
Ayon sa 22-anyos na si Rios, nasa magandang kondisyon na ang kanyang katawan at handang-handa nang makipagsuntukan sa 23-anyos na si Casimero.
“I feel really great in my preparation for my title fight with Casimero,†wika ni Rios, hinirang na ‘Best National Boxer of the Year Award’ ng Pa-nama Boxing Commission (COMIBOX).
Idedepensa ng tubong Ormoc City, Leyte na si Casimero ang kanyang suot na International Boxing Federation crown kontra kay Rios.
Naipagtanggol ni Casimero ang kanyang hawak na IBF light flyweight title kontra kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenciones sa Mazat-lán, SiÂnaloa, México.
Tangan ni Casimero ang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs laban kay Rios (18-1-1, 13KO’s).