Faried nagpasikat agad sa Rising Stars Challenge
HOUSTON -- Humakot si Kenneth Faried 40 points at 10 rebounds at piÂnahanga ang mga fans muÂla sa kanyang mga slam dunks para tuluÂngan ang Team Chuck sa 163-135 paggupo laban sa Team Shaq noong BiyerÂnes ng gabi.
Tinaguriang ‘Manimal’ dahil sa kanyang phyÂsical style, nagsalpak si Faried ng 18-of-22 fieldgoals at napiling Most Valuable Player ng NBA Rising Stars Challenge.
Nakatakda siyang luÂmahok sa dunk contest sa All-Star Weekend.
Sa ikalawang sunod na taon, ang mga kopoÂnan ay hinaluan ng mga rooÂkies at second-year plaÂyers bukod pa kina ShaÂquille O’Neal at Charles Barkley na nagsilÂbing mga geÂneral managers.
Tumipa naman si SacÂramento Kings’ point guard IsaiÂah Thomas ng 18 points at 10 assists paÂra sa tropa ni Barkley.
Umiskor si Cleveland point guard Kyrie Irving, ang hinirang na 2012 MVP, ng 32 points at may 23 naman ang kanyang kaÂkamping si rookie Dion Waiters paÂra sa Team Shaq.
- Latest