MANILA, Philippines - Hinikayat ng Philippine Sports Commission ang lahat ng miyembro ng National pool na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay sa kabila ng posibleng pagpapadala ng bansa ng isang ‘token delegation’ sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Sinabi ni PSC chairman Richie Garcia na may * mas malalaki pang torneong dapat paghandaan ang mga Filipino athletes.
Kabilang sa mga ito ay ang Asian Indoor Martial Arts Games sa Incheon sa Hunyo at ang Asian Youth Games sa Nanjing sa Agosto.
May ilan pang international tournaments na nakatakdang lahukan ang mga National sports associations (NSAs) na pamamahalaan mismo ng bansa.
Isa dito ay ang Asian Games Centennial cele-bration sa Boracay sa Nobyembre.
“They should not worry and they should not slow down in training.
Their training program will not be stopped,†sabi ni Garcia.
“We guarantee our athletes that our plans for the SEA Games have nothing to do with their overall program for 2013. Their training program has to continue. We have allotted P400 million for that,†dagdag pa nito.
Tiniyak din ng PSC chief sa mga atleta na itutuloy pa rin ang kanilang mga foreign exposures.
“Huwag silang matakot,†pagtitiyak ni Garcia.
Sa pagpapadala ng PSC ng ‘token delegation’ sa Myanmar SEA Games, maaari pa silang makatipid ng pondo.
Naglatag ang PSC ng pondong P30 milyon para sa paglahok ng Pinas sa Myanmar SEA Games.