Holyfield dumating para tumulong sa mga biktima ng bagyong Pablo
MANILA, Philippines - Dumating dito sa Pinas si Evander Holyfield, dating undisputed heavyweight champion para tumulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Mindanao.
Ang 50-gulang na superstar ay makikisa-lamuha sa mga libu-libong mahihirap na naging biktima ng kalamidad noong Disyembre.
“We have to feed the hungry,†sabi ng boxer nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon ng umaga.
Si Holyfield, ang four-time heavyweight champion mula 1990 hanggang 2000, ay isang ambassador ng Global Village Champion Foundation, isang non-profit organization na itinayo nina Yank Barry at Muhammad Ali.
Kasamang dumating ni Holyfield si Barry, nominee para sa 2012 Nobel Peace Prize. Sinabi niyang ang GVCF ay madalas na nakikipag-ugnayan sa mga biktima ng bagyong Pablo.
“We started shipping containers (ng relief goods) here the day after the typhoon,†sabi ng 65-gulang na Canadian na isa ring singer, composer, producer at pilantropo.
Ambassador for Asia din ng GVCF, nagpakain sa mahigit 800 million katao sa buong mundo, ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao.
Si Pacquiao ay nasa United States at nagsasanay para sa kanyang laban kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre nang sumalanta ang bagyo sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sinabi ni Holyfield na hindi niya palalagpasin ang pagkakataong makausap si Pacquiao.
- Latest