MANILA, Philippines - Hindi baliktad ang team standings. Talagang nasa ilalim ng standings ang tatlong koponan ng San Miguel Corporation at ang dalawang naglaban sa finals ng nakaraang Philippine Cup.
Maaari rin nating sabihin na ang tatlong koponang nagkampeon sa huling pitong conferences sa PBA ay nasa lower half ng team standings na iyan.
Ito ang kauna-unahang beses na nangyari ito sa buong kasaysayan ng kasalukuyang grupo ng sampung PBA member teams.
Parang kelan lang ay binitawan ni PBA Commissioner Chito Salud ang mga katagang ito pagkatapos aprubahan ang ilang player trades na nagpalakas sa Globalport at Barako Bull.
“These new trades are healthy for the players and teams involved, not to mention the league, as competitive balance among the member teams is decidedly enhanced,†pahayag ni Salud.
Tila maagang nagbunga ang resulta ng mga nasabing trades na nagdala kina Sol Mercado at Japeth Agui-lar sa kampo ng Batang Pier at ang mga tulad nina Jonas Villanueva sa Energy Cola, bilang mga halimbawa.
Nasa ibabaw pa nga ng team standings ang Barako Bull bagama’t hindi pa nakakapaglaro ang mga tulad nina JC Intal, Rico Villanueva, Sean Anthony, Celino Cruz, Roger Yap at rookie Eman Monfort dahil sa injuries.
Magpatuloy kaya ang tagumpay ng mga koponang nasa upper half ng kasalukuyang team standings? Abangan ang susunod na kabanata.