^

PM Sports

Hagdang Bato pinarangalan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinilala ang premyadong  kabayo na Hagdang Bato bilang Horse  of the Year sa 15th Philtabo Gintong Lahi Awards na ginawa kahapon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang mga taong nakapalibot sa Hagdang Bato ay kinilala rin ng samahan sa payak  na selebrasyon na nagbibigay-pugay sa mga kabayo, hinete, horse owners at breeders na nagpasigla sa 2012 horse racing.

Hindi nakakabigla ang pagkakapanalo ng Hagdang Bato bilang pinakamahusay na kabayo ng nagdaang taon dahil lahat ng malalaking karera ay tinuhog nito.

Tampok rito ang tatlong leg ng Triple Crown Series bukod pa sa PCSO Presidential Gold Cup upang tapusin ang isang taong pangangarera bitbit ang P13,465,977.05 kita.

Ang may-ari ng kabayo na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at ang hinete na si Jonathan Hernandez ang nanalong Horse owner at Jockey of the Year.

Ang batikang horse owner na si Herminio Esguerra ay  kinilala rin bilang Top Breeder ng 2012.

Ang mga kabayong Seaquin at Quaker Ridge ang may pinakamaraming palahing kabayo na kuminang sa nagdaang taon at ang dalawa ay  pag-aari ni Esguerra.

Nakuha rin ng isa pang premyadong kabayo ng nasabing horse owner na Juggling Act ang parangal bilang pinakamahusay na Imported Horse.

Ang iba pang binigyan ng parangal ay ang mga kabayong Boss Jaden at Eurasian bilang pinakamahusay na 2-Year Old Colts at Filly.

BOSS JADEN

HAGDANG BATO

HERMINIO ESGUERRA

HORSE

IMPORTED HORSE

JOCKEY OF THE YEAR

JONATHAN HERNANDEZ

JUGGLING ACT

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

PHILTABO GINTONG LAHI AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with