Lady Archers giniba ang Lady Eagles

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. UE vs UP

4 p.m. FEU vs Adamson

MANILA, Philippines - Laro ng isang nagde­depensang kampeon ang ipi­nakita ng La Salle pa­tungo sa kanilang 25-19, 25-23, 25-21 panalo kontra sa ka­ribal na Ateneo sa ka­una-unahang laro ng UA­AP  women’s volleyball tour­nament sa Mall of Asia Arena ka­hapon.

Umabot sa 19,638 ang taong nanood sa laban at sa  halip na kabahan ay gi­namit nilang inspiras­yon ang mga manonood upang maipakita ang antas ng paglalaro patungo sa pagsungkit ng unang puwesto sa double-round elimination sa kinubrang ika-12 sunod na panalo ma­tapos ang 13 laro.

Taliwas sa limang setter na panalo sa unang pag­­kikita, dinomina ng La Salle ang Ateneo na ka­hit sinikap na bigyan ng ma­tinding laban ang ka­ribal ay ininda ang pagkulapso ng laro sa mahala­gang tagpo ng tagisan.

Ito ang ikaapat na pagkatalo ng Ateneo matapos ang 13 laro upang bigyan pa ng pagkakataon ang Adamson (7-4) na ma­agaw ang ikalawang puwesto at ang mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage.

Pinataob naman ng UST ang host National University, 25-21, 25-21, 23-25, 25-17, sa unang la­ro para patuloy na ha­wa­kan ang mahalagang ika­apat na puwesto mula sa kanilang 7-5 baraha.

Humataw si Maika Or­tiz ng 15 puntos, habang 14 naman ang ginawa ni Judy Ann Caballejo para ipa­lasap sa Lady Bulldogs ang 6-6 marka.

 

 

Show comments