^

PM Sports

Babaeng Chinese basketball player naudlot ang Filipino naturalization

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - May posibilidad na butas pa rin ang interior defense ng National women’s basketball team kapag lumaban sa 27th SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ito ay matapos maudlot ang inaasahang pagpapabilis sa natura-lization papers ng 6’3” Chinese center  na si Zheng Xiaojing. Naudlot na talakayin sa se-cond reading sa Senado ang papeles ni Zheng nang magkaroon ng mga katanungan si Se-nator Jinggoy Estrada.

“Nakakapanghina-yang kasi talagang ine-expect namin na papasa na ito sa Senado,” wika ni National coach Haydee Ong.

Mataas ang paniniwala ng pamunuan ng koponan na makukuha ni Zheng ang papeles na naunang ibinigay kay 6’10” Marcus Douthit para sa men’s team nang lumusot na sa Kamara ang House Bill 2683.

Natalakay na rin ito at pumasa sa first reading bago naudlot sa pagdinig na ginawa kamakailan.

Kung papalarin ay sa Hunyo na maaaring talakayin uli ang bagay na ito dahil tiyak na magiging abala na ang mga Senador sa magaganap na eleksyon.

Si Zheng ang nakikitang kulang sa National team na noong 2011 ay muntik nang nanalo ng ginto pero nabigo sa Thailand sa overtime para makontento sa pilak na medalya.

 

DISYEMBRE

HAYDEE ONG

HOUSE BILL

JINGGOY ESTRADA

MARCUS DOUTHIT

SENADO

SI ZHENG

ZHENG

ZHENG XIAOJING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with