MANILA, Philippines - Kailangang iparamdam ng Pinas ang ginawang pagdadagdag at pagbabawas ng event sa Southeast Asian Games, ayon kay Philippine Olympic Committee president (POC) Jose ‘Peping’ Cojuangco.
Ayon kay Cojuangco, hindi kailangang i-boycott o magprotesta ngunit hindi dapat palagpasin ng Pinas ang ginawa ng Myanmar na pagdadagdag ng events na pabor sa kanila.
“We need to show our displeasure without any formal or open protest,†sabi ni Cojuangco.
Determinado ang Myanmar na makaahon sa kanilang seventh place finish sa Indonesia SEA Games noong 2011.
Isinama ng host Myanmar ang tig-18 golds sa di kilalang martial arts sports na vovinam at kempo dagdag pa ang walo sa chinlone (cane ball).
Sa 36 gold medals na napanalunan ng Pinoy athletes sa Indonesia, 16 dito ang tinangggal sa listahan ng sport na paglalabanan sa Disyembre.
Sa kabuuan, tinata-yang hindi makakasali ang Pinas sa 50 events dahil hindi kilala ang sport.
Ayon kay Cojuangco, kinokonsidera ng POC na magpadala lang ng mga atletang siguradong mananalo ng gold na nanga-ngahulugang kaunti lang ang ipapadala sa Myanmar.
Sinabi ng POC walang katuturan ang pagpapadala ng lahok na atleta sa sport na mahina ang tsansang manalo ng gold o di kaya’y walang tsansang manalo ng gold.
Nauna nang iminungkahi ni PSC Chairman Ritchie Garcia na magpadala na lang ng ‘token delegation.’