Richardson out na sa season dahil sa injury sa tuhod

MANILA, Philippines - Nalaman ni Philadelphia 76ers guard Jason Ri-chardson nitong Miyerkules na hindi na siya makakalaro sa mga natitirang games ng season dahil sa injury sa kaliwang tuhod na kailangang operahan, ayon sa isang source ng  Yahoo! Sports.

Sinabihan ang 12th-year veteran ng doktor sa New York City na may napunit na cartilage sa kanang bahagi ng kneecap. Inaasahang mawawala si Richardson  ng anim hanggang siyam na buwan matapos ang operas-yon na inaasahang gagawin sa susunod na linggo.

Hindi nakalaro si Richardson sa nakaraang seven games matapos makita ang synovitis sa kaliwang tuhod.  Tinapos niya ang season na may average na 10.5 points at 3.8 rebounds sa pagiging starter ng 33 games sa kanyang unang season sa Philadelphia. May kontrata

siya hanggang 2014-15 season.

 

Show comments