Laro Martes
(Ynares Sports Arena,
Pasig City)
2 p.m. - Blackwater Sports vs Cagayan Valley
4 p.m. - NLEX vs JRU
MANILA, Philippines - Mas gutom ang mga baguhan kumpara sa mga beteranong koponan.
Ito ang naipakita ng Jose Rizal University at Cagayan Valley nang sila ang nanaig laban sa mga subok ng koponan na Big Chill at Cebuana Lhuillier sa ikaw-o-ako na tagisan sa PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals na natapos kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumana ang kamay ni Byron Villarias sa ikatlong yugto nang maghatid ito ng 10 puntos para kunin ng Heavy Bombers ang 80-71 panalo sa Superchar-gers na lumaban bitbit ang twice-to-beat advantage.
Si Dexter Maiquez ang nanguna sa nanalong koponan sa kanyang 18 puntos at 14 boards at 10 ang kanyang ibinigay sa huling 10 minuto para hindi na pabangunin pa ang katunggali sa huling yugto.
“Gusto kong bumawi dahil hindi maganda ang inilaro ko sa last game,†wika ni Villarias na tumapos taglay ang 12 puntos at sa ikatlong yugto ay may 3-of-4 shooting kasama ang walong sunod na puntos na nagba-ngon sa koponan mula sa 41-42 iskor.
“Wala namang nag-akala na makakarating kami rito lalo na sa start namin. Maganda ang inilaro nila at ngayong nasa semis na kami, inaasahan kong lalo pa nilang pagbubutihan ang paglalaro,†wika ni coach Vergel Meneses na nasa unang paglahok sa liga.
Hindi nagpahuli ang Rising Suns na iniwan agad ang Cebuana Lhuillier sa second period tungo sa magaang 88-73 panalo sa isa pang laro.
Nakuha uli ni Eluid Poligrates ang kanyang tunay na porma nang maghatid ng 16 puntos at 11 rito ang kanyang ibinigay sa ikalawang yugto na dinomina ng Suns, 30-20, para hawakan ang 48-29 bentahe.
Magkakaroon ng pagkakataon ang Suns na makatapak ng finals kapag nasilat sa unang laro ang Blackwater Sports.