MANILA, Philippines - Tim Duncan kahit nagtamo ng dalawang injury noong Sabado.
Nagpa-MRI ang San Antonio Spurs big man sa kanyang kaliwang tuhod at walang krusyal na da-mage na nakita.
Na-sprain din ni Duncan ang kanyang right ankle sa second quarter noong Sabado sa homewin ng Spurs kontra sa Washington Wizards.
Inilista ng team si Duncan sa day-to-day status.
Nasaktan si Duncan, 35-gulang, habang dinideÂpensahan ang second-quarter shot ni Martell Web bumagsak sa kanya.
Tinulungan si Duncan pabalik sa locker room ngunit nakapaglakad din ito mag-isa.
Si Duncan ay nag-a-average ng 17.3 points at 9.7 rebounds at kamakailan lang ay napili siya ng mga coaches na makasama sa 14th NBA All-Star Game sa buwang ito.