MANILA, Philippines - Nakalabas na ng ospital si Charlotte Bobcats forÂward Michael Kidd-Gilchrist nitong Linggo matapos magpalipas ng gabi doon dahil sa concussion o pagÂkakaalog ng utak, ayon sa Charlotte Observer.
Hindi pa alam kung kailan babalik sa laro si Kidd-Gilchrist dahil kailangan muna siyang pumasa sa league protocols para sa mga nagkaroon ng concussions.
“I’m just relieved he’s not in the hospital today -- that’s the key point. He’s young and he’ll heal up niceÂly,†sabi ni Bobcats coach Mike Dunlap sa mga reportÂers pagkatapos ng kanilang practice nitong Linggo.
Nasaktan si Kidd-Gilchrist, 19-anyos, may 10:42 minuto ang natitira sa fourth quarter sa laban noong Sabado kontra sa Houston Rockets nang bumangga ito sa kanyang teammate na si Jeffery Taylor.
Pagbagsak ni Kidd-Gilchrist, hindi ito gumagalaw at binuhat ito ng gurney at agad na dinala sa ospital.
May malay si Kidd-Gilchrist at nakakaramdam lahat ng bahagi ng kanyang katawan bago nilisan ang Toyota Center ngunit sumailalim siya ng X-rays at CT scan ng kanyang leeg at ulo kung saan negatibo naÂman ang resulta maliban sa concussion.
NBA Draft mula sa Kentucky na si Kidd-Gilchrist ay nag-a-average ng 9.6 points, 5.9 rebounds at 1 block per game sa kanÂyang rookie season.
Ang Bobcats na may 11-35 record ay haharap sa Heat sa Miami niÂtong Lunes kasunod ang Cavaliers sa Cleveland sa Miyerkules bago bumalik sa sariling balwarte para harapin ang LA Lakers sa Biyernes.