^

PM Sports

Kidd-Gilchrist, nakalabas na ng ospital pero...

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nakalabas na ng ospital si Charlotte Bobcats for­ward Michael Kidd-Gilchrist nitong Linggo matapos magpalipas ng gabi doon dahil sa concussion o pag­kakaalog ng utak, ayon sa Charlotte Observer.

Hindi pa alam kung kailan babalik sa laro si Kidd-Gilchrist dahil kailangan muna siyang pumasa sa league protocols para sa mga nagkaroon ng concussions.

“I’m just relieved he’s not in the hospital today -- that’s the key point. He’s young and he’ll heal up nice­ly,” sabi ni Bobcats coach Mike Dunlap sa mga report­ers pagkatapos ng kanilang practice nitong Linggo.

Nasaktan si Kidd-Gilchrist, 19-anyos, may 10:42 minuto ang natitira sa fourth quarter sa laban noong Sabado kontra sa Houston Rockets nang bumangga ito sa kanyang teammate na si Jeffery Taylor.

Pagbagsak ni Kidd-Gilchrist, hindi ito gumagalaw at binuhat ito ng gurney at agad na dinala sa ospital.

May malay si Kidd-Gilchrist at nakakaramdam lahat ng bahagi ng kanyang katawan bago nilisan ang Toyota Center ngunit sumailalim siya ng X-rays at CT scan ng kanyang leeg at ulo kung saan negatibo na­man ang resulta maliban sa concussion.

 NBA Draft mula sa Kentucky na si Kidd-Gilchrist  ay nag-a-average ng 9.6 points, 5.9 rebounds at 1 block per game sa kan­yang rookie season.

Ang Bobcats na may 11-35 record ay haharap sa Heat sa Miami ni­tong Lunes kasunod ang Cavaliers sa Cleveland sa Miyerkules bago bumalik sa sariling balwarte para harapin ang LA Lakers sa Biyernes.

ANG BOBCATS

CHARLOTTE BOBCATS

CHARLOTTE OBSERVER

HOUSTON ROCKETS

JEFFERY TAYLOR

KIDD-GILCHRIST

LINGGO

MICHAEL KIDD-GILCHRIST

MIKE DUNLAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with