Impresibong pagtatapos ng Flying Honour
MANILA, Philippines - Sinuklian ng Flying Honour ang tiwala ng kareÂrista nang manalo sa pinaglabanang 3YO Maiden I race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si apprentice rider RC Tabor ang sumakay sa tatÂlong taong filly horse na rumemate mula sa malayong ikatlong puwesto at hiniya ang lakas na naipakita ng Melodic Tune ni JPA Guce.
Unang panalo ito ng kabayo na pinatawan ng magaan na 49 kilos para makapaghatid ng P8.50 sa win habang nasa P42.00 ang dibidendo sa 6-9 forecast.
Siyam na kabayo ang nagbakbakan sa 1,000-metrong distansya at unang umalagwa ang Melodic Tune at UnÂdisputed na diniskartehan ni YL Bautista.
Sa pagpasok ng rekta ay gumalaw ang Flying Honour at kinailangan pa ni Tabor na idaan sa gitna ng dalawang nasa unahang kabayo ang sakay na kabayo para maagaw ang bandera.
Sinikap ng Melodic Tune na bawiin ang kalama-ngan pero may sapat pang lakas ang nanalong kabayo para sa isang dipang panalo.
Nanatili namang walang talo ang Gold Caviar sa tatÂlong takbo sa taon nang pangharian ang Philracom HandÂicap Race (14) na pinaglabanan sa 1,400m distansya.
Kinailangan ni jockey JA Guce na gamitan ng
latigo ang hawak na kabayo para mag-init ang outÂstanding favorite at makaiwas sa sana’y panghihiya na hatid ng West Dream.
Pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa huling araw ng pista sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club ang Gold Caviar tungo sa P6.50 dibidenÂdo sa win habang P31.00 ang ibinigay sa 2-7 forecast.
Nakabawi naman ang Janz Music mula sa pagÂkatalo sa huling takbo para makapaghatid din ng saya sa mga dehadista.
Si apprentice rider RV Leona ang naghatid ng panalo sa ikalawang sunod na pagsakay sa nasabing kabayo para maisantabi ang pangalawang puwesto na naipagkaloob sa kabayo noong Enero 15.
Humarurot ang Janz Music sa pagsapit ng huling 50-metros ng karera para makuha ang panalo.
May P55.50 ang dibidendo ng win habang ang nakaÂsabayan sa pagremate na The Surgeon ay may umentong P8,556.50 sa bawat taya sa forecast na 3-11.
- Latest