^

PM Sports

Rondo-less Celtics nalo sa Clippers: Heat wagi sa Raptors

Pang-masa

TORONTO -- Umiskor si LeBron James ng 30 points, habang may 28 si Chris Bosh kontra sa dati niyang koponan at tinalo ng Miami Heat ang Toronto Raptors, 100-85, noong Linggo ng gabi.

Ito ang pang-10 sunod na pagdomina ng Heat sa Raptors.

Ang nasabing panalo ang tumiyak sa Miami ng top spot sa Eastern Conference sa itaas ng New York Knicks upang si Heat coach Erik Spoelstra ang gaga­bay sa East team sa All-Stars sa Houston.

Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 23 points para sa pagbangon ng Heat mula sa 89-102 kabiguan sa Pacers sa Indianapolis noong Biyernes.

Nadismaya si James noong Miyerkules dahil hindi niya mapapanood ang Super Bowl habang pabalik sa Florida matapos ang laro. Ang private plane ng Heat ay walang satellite TV o wireless Internet.

Para pagbigyan si James, ipinagpaliban ng Heat ang kanilang pag-uwi para labanan ang Charlotte sa Lunes pagkatapos ng Super Bowl na plano niyang pa­noorin sa Air Canada Centre.

Sa Boston, tinalo ng Celtics ang Los Angeles Clip­pers, 106-104, para sa kanilang 4-0 record sapul nang magkaroon si Rajon Rondo ng knee injury na tuma­pos sa season ng star point guard.

Tumapos si Paul Pierce, tumipa ng isang three-point shot sa natitirang 2.5 segundo ng laro, na may 22 points para sa Boston.

AIR CANADA CENTRE

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

LOS ANGELES CLIP

MIAMI HEAT

NEW YORK KNICKS

SUPER BOWL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with