RP Davis Cuppers wagi sa Syria
MANILA, Philippines - Walang naging problema ang Pilipinas kung ang laro sa Syria sa pagbubukas ng 2013 Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup tie ang pag-uusapan.
Matapos ang tatlong laro sa best-of-five tie na ginaganap sa Plantation Bay Resort and Spa sa Lapu Lapu City ay nanaig na ang host country nang walisin ng mga ipinanlaban ang serye.
Tinapos nina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales ang tie sa pamamagitan ng 6-0, 6-3, 2-6, 6-2, panalo laban kina Issam Haitham Taweel at Marc Abdelnour sa doubles na nangyari noong Sabado ng gabi.
Naunang kuminang para sa bansa si Johnny Arcilla na hiniya ang number one player ng Syria na si Taweel, 6-4,5-7, 6-1, 6-2, bago ibinigay ni Gonzales ang 2-0 kalamangan sa 6-4, 7-6(1), 6-2, panalo laban kay Abdelnour.
“May mga rankings at beterano ng malalaking tournaments sina Taweel at Abdelnour kaya’t hindi namin expected na ma-sweep ang tie. Pero gusto talaga ng mga players na manalo at naipakita nila ito sa kanilang mga laro,†wika ni Roland Kraut, ang non-playing team captain ng Pambansang koponan.
Umabante na sa se-cond round ang Pilipinas at makakaharap ang alinman sa Thailand o Kuwait sa tie na lalaruin sa Abril 5 hanggang 7.
Angat ang Thais sa Kuwait na siyang host ng tagisan, 2-1, nang manalo sa doubles upang maging mahalaga pa ang reverse singles na ginawa kahapon.
- Latest