Sullinger buong season magpapahinga

BOSTON -- Sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo, sinabi ni Boston Celtics coach Doc Ri­vers sa kanyang koponan na maglalaro sila sa ka­bu­­uan ng season na wala si star pointguard Rajon Ron­do.

Inihayag kahapon ng Celtics na sumailalim ang ka­nilang first-round draft choice na si Jared Sullinger sa isang matagumpay na lumbar disk surgery at hindi pa makakalaro sa buong season.

Inaasahan siyang magiging handa sa training camp ng Boston sa susunod na season.

“He was playing great,” sabi ni Rivers kay Sul­linger. “I think the good news is we know he can play and we know he will be a very good player. In the long run, this will make him healthier.”

Ginawa ng Boston ang pahayag limang araw ma­ta­pos mapatunayan na may napunit na ACL ang All-Star point guard na si Rondo at hindi na makikita sa ka­buuan ng season.

“Losing Rondo was big enough for us and now we’re losing Sully, one of the best rebounders on the team,” ani guard Courtney Lee. “It was definitely shocking.”

Sa 45 laro, naglista si Sullinger ng mga averages na 6.0 points at 5.9 rebounds para sa Celtics.

Show comments