Para sa paghahanda ng Gilas sa FIBA-Asia event: Schedule ng PBA Governors Cup pinoproblema pa rin ng PBA Board

MANILA, Philippines - Ipinakita na ng PBA Board of Governors ang ka­nilang solidong pagsuporta para sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.

Ang hindi na lamang nareresolbahan ay ang pag­ba­bago ng iskedyul para sa third conference na magbi­bigay sa Gilas Pilipinas ng mahabang panahon para ma­paghandaan ang nasabing regional world qualifier na nakatakda sa Agosto 1-11 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“There are many scenarios being studied and considered. Let’s not preempt our governors and team owners. I’m confident that the final arrangement to be arrived at will be designed primarily to permit our national team to train together and jell sufficiently to be competitive in the FIBA tournament,” sabi ni PBA Commissioner Chito Salud.

“Obviously, national interest will be the major consideration in this case,” dagdag pa ni Salud.

Ang isa sa ikinukunsidera ay ang pagpapaliban sa season-ending Governors Cup matapos ang FIBA-Asia Championship.

Gusto naman ng ilan sa miyembro ng PBA Board na idaos ang elimination round ng PBA Governors Cup bago pansamantalang ipagpaliban ang playoffs ma­tapos ang FIBA-Asia event.

Sinabi ni coach Chot Reyes na papangalanan niya ang mga  players na bubuo sa national team matapos mag­desisyon ang PBA ng training schedule.

Ang pagpapaikli sa Governors Cup, maaaring ta­pusin isang buwan bago ang FIBA-Asia event, ay isang opsyon na tinitingnan din ng PBA Board.

Karamihan naman sa mga PBA officials ay gustong bigyan ang Nationals ng sapat na panahon para ma­kapaghanda.

“Since we’re helping them, why not help them ful­ly,” wika ni Air21 governor Lito Alvarez.

 

Show comments