MANILA, Philippines - Umaasa ang Philippine Red Cross na mas mara-ming makikibahagi sa Million Volunteer Run (MVR2) - Run to Save Lives sa Feb. 10 sa Metro Manila at iba pang pangunahing lungsod sa bansa.
Ang fun run na naglalayong ipakita na ang Philippines ang nangunguna pagdating sa pagbo-volunteer ay inaasahang susuportahan ng iba’t ibang sektor para sa 3K at 5K races.
Ang pangunahing karera ay magsisimula sa Aliw Theater and Cultural Center of the Philippines at matatapos sa Quirino Grandstand.
May kasabay na karera na gaganapin sa Quezon City, kung saan may sinigurong 300,000 participants ang city government. Ang QC race ay magsisimula sa QC Memorial Circle na dadaan ng Elliptical Road papuntang Commonwealth Avenue at pabalik sa Circle.
“We look to make this run the biggest event of its kind,†sabi ni governor Mabini Pablo. “We want to create a sea of red on that day.â€
Layunin ng MVR2 na palawakin ang network ng volunteers hanggang sa barangay level para makalikom ng pondo para sa mga humanitarian services ng Red Cross.
Ang registration fee ay P100 sa estudyante, P200 sa non-students at P500 sa mga business executives. Hiwalay ang presyo ng singlets at bandanas. Para sa karagdagang detalye, mag-log-in sa www.run.redcross.org.ph o sa www.facebook.com/MillionVolunteer Run.