WASHINGTON -- Pinuri ni President Barack Obama ang Miami Heat sa pagkapanalo ng 2012 NBA Championship title matapos mabigo sa naunang taon.
“Everybody doing their part, is what finally put the Heat over the top,’’ sabi ni Obama nang malugod niyang tinanggap sa White House ang buong koponan nitong Lunes upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
Tinalo ng Heat ang Oklahoma City Thunder sa limang games sa NBA Finals noong June.
Kinilala rin ng presidente ang ginagawa ng prangkisa off the court. Pinasalamatan niya ang team sa kanilang pagsuporta sa mga military sa Walter Reed National Military Medical Center.
Sinabi ni Obama na pinaka-proud siya kina LeBron James, Chris Bosh at Dwyane Wade dahil ginagampanan din nila ang pagiging ama sa kanilang mga anak.
“For all the young men out there who are looking up to them all the time, for them to see somebody who cares about their kids and is there for them day in and day out, that’s a good message to send,’’ sabi ni Obama.
Sinabi naman ni Miami Heat coach Erik Spoelstra na sana ay magsilbing inspirasyon ang koponan sa bansa kung ano ang nagiging resulta kapag nag-sama-sama at nagtulung-tulong.