MANILA, Philippines - Pinagtutuunan ngayon ng San Mig Coffee na ituro sa mga baguhan ang kanilang ipinaiiral na sistema kaysa sa isipin ang mga makakalaban sa PBA Commissioner’s Cup na magbubukas na sa February 8, Biyernes sa Araneta Coliseum.
“Ang mahalaga sa amin ngayon ay maka-adopt ang mga baguhan namin sa system ni coach Tim Cone. Hindi pa namin pinagtutuunan ang mga makakalaban pero may mga scouting reports na kami at handa na kung sakaling kailanganin na,†wika ni Mixers assistant coach Koy Banal nang bumisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Nakasama niya sa pagpupulong ang iba pang assistant coaches na sina Caloy Garcia ng Rain Or Shine, Gee Abanilla ng Petron Blaze Boosters at Patrick Fran ng Meralco Bolts.
Ang Mixers ang siyang nagdedepensang kampeon at pinalakas ang koponan sa conference na ito sa pagkuha kina Lester Alvarez, Leo Najorda at Alex Mallari sa trade bukod pa sa paghugot kay 6’11†Matt Rogers bilang kanilang import.
Ang Talk ‘N Text na sariwa sa pagkapanalo sa Philippine Cup ay palaban uli sa titulo habang ang Elasto Painters ay may kakayahan ding magpasikat lalo pa’t nasa koponan ang pinakamatangkad na import sa conference sa katauhan ni 7’3†Bruno Sundov ng Croatia.
Sa panig ng Bolts, sinabi ni Fran na pangunahing adhikain ay ang makabawi matapos ang maagang pagkakatalsik sa All-Filipino Cup sa tulong ng import na si 6’9†Eric Dawson habang ang Petron Blaze, ani Abanilla, ay bumubuo nga-yon ng sistema para mas maayos na tumakbo ang koponan.