Wesley muling nagsolo sa Asian Zone 3.3
Tagaytay City, Philippines --- Nasolong muli ni FiÂlipino GrandÂmaster WesÂley So ang overÂall lead sa seventh round ng Asian Zone 3.3 Chess Championships.
Ito ay matapos gibain ng 19-anyos na si So si IM NguÂyen Duc Hoa ng Vietnam diÂto sa Tagaytay InterÂnaÂtional Convention Center.
May 6.0 points ngayon ang tubong BaÂcoor, Cavite na si So, may Elo rating na 2682.
Nauwi naman sa draw ang laro ng daÂÂti niyang kaÂsalo sa liderato na si seÂcond seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam kay 12-time national open champion GM Rogelio ‘ Joey’ AnÂtoÂnio, Jr.
May 5.5 points ngayon si Son sa torneong may nakatayang dalawang tiket para sa World Chess Cup sa Tromso, Norway.
Si GM Oliver Barbosa pa lamang ang Filipino na may guaranteed seat sa World Cup.
Nanaig naman si GM Cao Sang ng Vietnam kay IM Bayarsaikhan GunÂdaÂvaa ng Mongolia upang umangat sa 3rd hanggang 4th places kasama si AnÂtonio mula sa magkatulad nilang 5.0 points.
Nasa fifth hanggang eighth places sa magkakapareho nilang 4.5 points sina defending champion GM Susanto MeÂgaranto ng Indonesia, GM Mark PaÂragua, GM John Paul Gomez at GM Darwin Laylo.
- Latest