Celtics lusot sa Heat sa 2 OT

BOSTON -- Ang isang double-overtime vic­tory la­ban kay LeBron James at sa defen­ding NBA cham­pions ay ma­hirap ipag­diwang para kay Paul Pierce at sa Boston Ce­l­tics.

Ang balita na hindi na makakalaro si Rajon Ron­do sa buong season da­hil sa kanyang knee in­ju­ry ang nagpalungkot sa sit­wasyon.

“Everyone was really hap­py for the win,” wika ni Pierce matapos talunin ng Boston ang Miami Heat,  100-98. “It brought a dark cloud in this room when you heard the news.”

Tinapos ng Celtics ang kanilang six-game lo­sing slump kontra sa Heat na nanggaling sa isang four-game winning streak.

Ngayon ay naiwan ang Boston na wala ang ka­nilang court leader na na­karanas ng torn anterior cruciate ligament sa kanyang kanang tuhod sa 112-123 double overtime loss nila sa Atlanta Hawks noong Linggo.

Nanalo sila sa Miami matapos isalpak ni Pierce ang isang 22-foot jumper sa huling 31 segundo para sa kanilang 99-98 benta­he.

“Obviously, the Rondo news is pretty tough. I knew it before the game,” sa­bi ni Celtics coach Doc Ri­vers. “I just didn’t think it was any time to tell any of our guys.”

Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ng Bos­ton ang dati nilang pla­yer na si Ray Allen na naglaro sa Celtics sa lo­ob ng limang seasons at pumirma bilang free agent sa Miami.

Umiskor si Allen ng 21 points para sa Heat.

Humakot si Kevin Gar­nett ng 24 points at 11 re­bounds, habang nag­dag­dag si Pierce ng triple-double mula sa kanyang 17 points, 13 rebounds at 10 assists.

Umiskor naman si James ng 34 points para sa Heat.

Matapos ang basket ni Pierce, nagkaroon pa si James ng pagkakataon na itaas ang Heat ngunit nag­mintis ang kanyang 12-foot jumper sa natitirang 6.8 segundo.

 

Show comments