^

PM Sports

PSC dapat gastusin ng tama ang natipid na pondo - Escudero

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Francis ‘Chiz’Escudero na dapat sa­­mantalahin ng pamaha­laan at ng mga major stake­holders sa sports ang pahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na malaki ang ka­nilang naipon na maaa­ring gamitin para sa pag­ha­­handa sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Bra­zil.

Ngunit pinaalalaha­nan din ni Escudero ang PSC na unahin ang mga pro­yektong ilalatag para sa paghahanda ng mga na­tional athletes sa 2016 Summer Games.

Inihayag kamakailan ng PSC na nakatipid sila ng halos P500 milyon.

Inalok naman ni PSC chairman Ricardo Garcia ang karamihan sa natu­rang pondo sa mga National Sports Associations (NSAs) na makakapagbi­gay ng epektibong prog­rama na sisiguro sa pag-uwi ng medalya ng ka­nilang mga atleta sa mga darating na Southeast Asian Games, Asian Ga­mes and the Olympics.

“This is the first time that the PSC is claiming savings of as much as this, half-a-billion pesos that does not need to be returned to the national trea­su­ry as it was saved from the agency’s corporate funds,” wika ni Escudero.

“But the PSC could not spend this much just for the SEA Games alone, as earlier reported in the pa­pers,” wika pa ng Sena­dor.

Hinikayat pa ni Escu­dero si Garcia at ang kan­yang PSC Board na tu­tukan ang Olympics ka­hit na ito ay sa 2016 pa ma­gaganap.

“Any savings is always a good news. Spen­ding these savings wisely and effectively would make better news, how­ever,” ani Escudero, igini­it na ang ‘priority sports’ ang dapat makatanggap ng malaking pondo para sa pangarap na Olympic gold medal ng bansa.

ASIAN GA

INIHAYAG

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

OLYMPIC GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PSC

RICARDO GARCIA

SENATOR FRANCIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with