Ang kailangan para magkampeon sa mga torneo... Khajirian: Maigting na preparasyon ng Phl team

MANILA, Philippines - Ang pagkopo sa isang kampeonato ay base na rin sa matinding pagsasanay at paghahanda at hindi sa suwerte lamang.

Ito ang paniniwala ni FIBA Asia secretary ge­ne­ral Hagop Khajirian.

Sinabi kahapon ni  Kha­jirian na walang tsan­sa ang bansa na ma­ibalik ang glorya nito ma­liban na lamang kung pag­la­laruin ang pinaka­ma­ga­galing nitong bas­ket­ball pla­yers.

“Championship will come as a result of hard work not by luck. One can be lucky to make one shot, one layup, but not winning the championship,” ani Khajirian sa isang press conference matapos ang kanyang inspeksyon sa mga playing venues at iba pang pasilidad na ga­gamitin para sa 2013 FIBA Asia Championships na pamamahalaan ng ban­sa sa Agosto 1-11.

Sinabi pa ni Khajirian na pang-lima ang Pilipinas sa ilalim ng China, Ko­rea, Iran at Lebanon sa mga koponang may tsansang mapagharian ang 27th edition ng biennial cham­pionship.

“You’ll notice I rank the Philippines at No. 5 be­cause you’re not sen­ding your full squad, not your best players. I hope this will be different in Au­gust,” ani Khajirian.

Alam ni Khajirian ang nangyaring kaguluhan sa local basketball association na nagresulta sa pag­ka­kasuspinde sa bansa sa mga FIBA competitions.

Alam din niya ang prob­lema sa iskedyul ng lo­cal pro league sa mga FI­BA tourneys.

Nakatakdang mak­i­pag­pulong ngayong araw si National coach Chot Re­yes kay PBA Commissioner Chito Salud kaugnay sa pagbuo ng national team para sa naturang tor­neo.

Inatasan ng PBA Board ang mga PBA teams na magpahiram ng isang player para sa Na­tio­nal team.

Subalit gusto ng pro league na kaagad pangalanan ni Reyes ang kanyang Final 12 kasama ang dalawang reserves.

“We’re the defending champion on our own backyard so we’re defen­ding our hosting cham­pion­­ship so to speak. It’s not coach Chot’s call but the country’s call,” sabi ni SBP executive director Son­ny Barrios.

 

Show comments