West hindi na kukunin ng Dallas Mavericks

DALLAS -- Kinuha si Delonte West ng NBA Development League affiliate para sa Dallas Mavericks.

Ngunit ayaw na siyang kunin muli ng Mavericks ni team owner Mark Cuban.

Nakatakdang maglaro si West para sa Texas Le­gends sa mga susunod na araw.

Subalit sinabi ni Cuban na hindi na makikita si West sa Dallas.

Pinakawalan ng Mavericks ang eighth-year pro na si West, may bipolar disorder, noong Oktubre matapos ang kanyang ikalawang suspension sa season.

“That doesn’t mean I don’t like Delonte, care about him as a person, want to help him get back on track,” pahayag ni Cuban kay West.

Sinabi pa ni Cuban na ang dahilan kung bakit ayaw niyang muling kunin si West sa Dallas roster ay da­hil “‘not worth talking about at this point in time.”

Nasangkot si West sa dalawang insidente sa locker room sa preseason at nasa kanyang pangalawang sunod na one-year contract para sa veteran minimum na $1.2 milyon ngayong season.

Inalis ang unang suspensyon kay West isang araw bago ang kanyang pulong kay president of basketball operations Donnie Nelson at kay coach Rick Carlisle.

Matapos ang isang linggo, sinabi ni West na nakatanggap siya ng text na nagsasabing huwag na siyang pumunta sa kanilang praktis isang linggo bago ang pag­sisimula ng regular season.

Pinakawalan na siya ng Mavericks matapos ito.

 

Show comments