MANILA, Philippines - Bagama’t hindi siya kiÂnakitaan ng malaking proÂduksyon sa kanilang mga tune-up games, sinabi ni Barako Bull Serbian coach Rajko Toroman na hindi nila iniisip na palitan si import Evan Brock para sa darating na 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Sa kanilang ikaapat na tune-up game, umiskor ang Energy Cola ng 107-84 panalo kontra sa MeÂralco Bolts na nagparada kay reinforcement Eric DawÂson sa Meralco gym.
Umiskor ang 6-foot-9 na si Brock ng 15 points paÂra sa 1-3 record ng BaÂrako Bull.
Si Brock ay isa sa daÂlawang imports na tumulong sa Indonesia Warriors na pagharian ang 2012 ABL season laban sa San Miguel Beermen.
Tumipa si Brock ng 27 points sa 86-89 kabiguan ng Energy Cola sa Air21 ExÂpress kamakailan.
“Evan Brock is worÂking hard, especially deÂfenÂsively while providing reÂbounds for our team. We do have a lot of weaÂpons, so we’re not thinÂking of changing him,†sabi ni Toroman sa Spin.ph. matapos ang kanilang paÂnalo sa Bolts ni Ryan Gregorio.
Sinabi pa ni Toroman na kasalukuyan pa ring ginagamay ng Barako Bull, kasama si Brock, ang kanyang sistema.
“To me, the important thing is Evan understands our system, so his offense will come from there,†dagÂdag pa ni Toroman.
Bago kunin ng PhotoÂkiÂna franchise ay tumayo muÂnang team consultant si Toroman sa Petron.
Ilan sa mga nakuha ng Energy Cola sa trade ay sina Jonas Villanueva, Allein Maliksi, Jojo Duncil at JC Intal.
Sila ay nasangkot sa isang 10-player, five-team trade.
Magsisimula ang PBA Commissioner’s Cup sa Pebrero 8.