Lakers tinalo ang Utah Jazz

LOS ANGELES -- Nagsalpak si Metta World Peace ng limang 3-poin­ters patungo sa kanyang 17 points at tinulungan ang Los Angeles Lakers sa 102-84 panalo laban sa Utah Jazz.

Tinapos ng Lakers ang kanilang four-game losing skid.

Humakot si Dwight Howard ng 17 points at 13 rebounds, ha­bang nag-am­bag sina Steve Nash at Pau Gasol ng tig-15 mar­kers.

Nagposte naman si Ko­be Br­y­ant ng 14 points, season-high na 14 assists at 9 re­bounds para igiya ang La­kers sa una nilang ta­gumpay sa kanilang tatlong beses na paghaharap ng Jazz ngayong season.

Nagwakas naman ang four-game winning streak ng Utah.

Muling nasaktan ang ka­nang balikat ni Howard sa second quarter sa kabiguan ng Lakers sa Memphis noong Miyerkules.

Ngunit hindi niya ito ininda nang tumipa ng 6 points sa isang 15-4 ratsa­da ng Lakers laban sa Jazz.

Pinangunahan ni Derrick Favors  ang Jazz mula sa kanyang 14 points, habang may 13 si reserve Gordon Hayward at 12 si Al Jefferson.

Nag-ambag naman ng tig-10 markers sina Paul Millsap at Randy Foye.

Nakalapit ang Utah sa 69-78 sa kaagahan ng fourth quarter bago dino­mi­na ng Lakers ang hu­ling 10 minuto.

Isinalpak ni World Peace ang kanyang pang-li­mang 3-pointer at umiskor ng 4 points si Bryant sa 14-5 atake na naglayo sa Los Angeles sa 92-74.

Nauna nang nagtala ang Lakers ng isang 12-point lead sa third period hanggang makalapit ang Utah sa 58-61 mula sa alley-oop dunk ni Favors mula sa pasa ni Earl Watson.

Muling nag-init ang Lakers sa 3-point range.

Tatlong tres ang isinalpak nina Chris Duhon at World Peace, samantalang isang dunk ang ginawa ni Jodie Meeks para ibigay sa Lakers ang 72-63 bentahe papunta sa fourth quarter.

Nagkaroon ng komprontasyon sina Gasol at Millsap na nagresulta sa kanilang double technicals.

 

Show comments