^

PM Sports

STAR Group kampeon sa MBL Corporate Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumandal ang nagdedepensang Star Group of Publications kay Niño Marquez para talunin ang PRC Couriers, 87-84 upang angkinin ang korona ng MBL Corporate Cup 2 basketball tournament sa San Andres Sports Complex  Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Nagpasabog si Marquez ng 32 points, kasama dito ang anim na sunod na free throws sa huling 1:30 ng fourth quarter upang kumpletuhin ang  nine-game sweep sa torneo.

Nagdagdag sina Ver Roque at Gio Coquilla ng tig-12 points kasunod ang 9 ni Mario Geocada para sa Starmen na dalawang beses tinalo ang PRC sa elimination round.

Ito ang pangalawang sunod na MBL title para sa Star Group nina coach Alfred Bartolome at team ma-nager Mike Maneze.

Nagbida si Marquez, hinirang na Most Valuable Player, sa ratsada ng Starmen sa fourth quarter matapos makabangon ang Couriers mula sa isang double-digit deficits para tumabla sa 80-80 galing sa three-point shot ni Edwin Asoro sa 3:30 minuto na lang sa laro.

Kumayod naman si Marquez  para selyuhan ang pang-siyam na dikit na tagumpay ng Star Group.

Tumapos sa ikatlo ang Manila Capitals nina Mayor Alfredo Lim at MASCO chairman Paul Edward Almario.

Star Group  87 -- Marquez 32,  Roque 12, Coquilla 12,  Geocada 9,  Bondoc 7, Rodriguez 6,  Corbin 4,   Martinez 3, Reducto 2, Sangalang 0.

PRC Couriers 84  --. Cuevas 20,   Mabigat 15, Reyes 11,  Maurillo 10, Asoro 9, Cerioc 9,  Litonjua 5,  Lopez 3, Sta. Maria 2, Wang 0, Villarta 0, Goco 0, Rullanda 0, Hernandez 0.

Quarterscores: 30-20,  54-40, 73-64, 87-84.

vuukle comment

ALFRED BARTOLOME

CORPORATE CUP

EDWIN ASORO

GIO COQUILLA

MANILA CAPITALS

MARIO GEOCADA

MARQUEZ

MAYOR ALFREDO LIM

STAR GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with