CLEVELAND -- Mula sa posibleng All-Star appearance biglang bumagsak si Anderson Varejao at di na makakalaro pa sa season.
Nanatili sa ospital ang malaking sentro ng Cavaliers na nanguna sa NBA rebounding bago nawala noong nakaraang buwan dahil sa inakalang bugbog na tuhod na ngayon ay sinasabi nang blood clot sa ibabang bahagi ng kanang baga na dahilan para kailanganin nitong magpahinga sa natitirang season.
Si Varejao, inoperahan ang napunit na muscle noong Jan. 10, ay nasa The Cleveland Clinic mula pa noong Huwebes.
Sinabi ng Cavs na malamang na magtagal pa ito sa sa ospital para gamutin.
Inaasahang makakarekober na ng husto si Varejao ngunit patuloy siyang iinom ng pampalabnaw ng dugo ng tatlong buwan, ayon sa pahayag ng team.
Ang pagkawala ng 6-foot-11 na si Varejao ay ma-laking dagok sa Cavs na ngayon ay may 10-32 record.
“Losing him already was bad enough for us,’’ sabi ni star point guard Kyrie Irving. “The news got worse today. We wish him the best. We’re all going to be there for him morale-wise, just try to be there for him as best as we can as teammates. That’s all we can do right now.’’
Bagama’t na-admit sa ospital si Varejao, apat na araw na ang nakakaraan, hindi sinabi ng Cavs na nananatili ito sa ospital na inihayag lamang ng team bago magsimula ang workout ng mga player sa kanilang training facility.