Andersen binigyan ng 10-day contract ng Miami

MIAMI – Nakasuot si Chris Andersen ng stars-and-stripes headband nitong linggo ng umaga at nakikita ang iba’t iba at makukulay niyang tattoo mula sa kanyang leeg hanggang paa.

Mayroon siyang 10-araw para magpakitang gilas sa Miami Heat.

At tila maganda na ang kanyang simula.

Pumirma ang veteran forward-center ng 10-day deal sa Heat  nitong Linggo at nag-workout sa kanyang bagong team sa unang pagkakataon.

Para sa mga koponang naghahanap ng rebounder, si Andersen na hindi pa lumalaro sa NBA sapul nang hu-ling sumalang sa Denver noong March, ay umaasang siya ang magiging sagot.

“This opportunity and being with the defending champs, it’s a dream come true,’’ sabi ni Andersen. “They’re taking a chance with me and I’m here to give them everything I’ve got, defensively, diving on the floor, blocking shots, you know, the usual that a Birdman does and what Birdman brings.’’

 

Show comments