STAR Group tangka ang titulo sa MBL

Laro ngayon (San Andres Sports Complex)

7 p.m. -- Star Group vs. PRC Couriers

 

MANILA, Philippines - Tangka ng defending champion Star Group of Publications ang back-to-back title sa pakikipagharap sa PRC Couriers sa MBL Corporate Cup 2 basketball championships na gaganapin sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila ngayong gabi.

Ang gametime ay alas-7:00 ng gabi kung saan kailangan lamang ng Star Group ng isang panalo upang makopo ang kanilang ikalawang sunod na  MBL title.

Sa ilalim ni coach Alfred Bartolome at manager Mike Maneze, kinumpleto ng Star Group ang eight-game sweep sa eliminations upang makopo ang twice-to-beat incentive sa finals.

Nakapasok naman ang PRC sa finals matapos magtala ng  5-3 panalo-talo.

Tinalo ng Starmen ang PRC ng dalawang beses sa elims-- ang 75-72 panalo noong Nov. 8 at 101-93 tagumpay noong Dec. 3.

Inaasahang mangunguna sa kampanyang maipagtanggol ang titulo ay sina veteran Niño Marquez, Jhong Bondoc, Chris Corbin, Ver Roque, Dennis Rodriguez, Gio Coquilla, Niño Sangalang, Mario Geocada at Randel Reducto. Para sa PRC, naririyan sina Erwin Sta. Maria, Mar Reyes, Anthony Cuevas, Edwin Asoro, Dennis Lim, Doods Litonua, Mel Mabigat, Norman Goco at Macky Villarta.

 

Show comments