Marion pinagmulta ng $25,000

NEW YORK – Pinagmulta si Dallas Mavericks forward Shawn Marion ng $25,000 ng NBA nang tahasan niyang binatikos sa publiko ang officiating ng liga.

Matapos ang 117-114 overtime loss ng Mavericks sa  Oklahoma City noong Biyernes, sinabi niyang, “it’s hard to beat anybody when you’re playing five on eight.’’

Si Thunder All-Star Kevin Durant ay nabigyan ng 21 free-throws para sa kanyang career-high na 52-points nang gabing iyon.

Ang penalty ay inihayag nitong Sabado ni NBA executive vice president of operations Stu Jackson.

Show comments