^

PM Sports

Romero iiwan na ang PNSA

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naniniwalang marami pang karapat-dapat sa kanya, inihayag ni businessman-sportsman Mikee Romero ang desis-yon na ‘di pagtakbo sa isa pang termino bilang pangulo ng Philippine National Shooting Association (PNSA).

Ang asosasyon ay magdaraos ng halalan sa Pebrero 16 at bagong lider ang lalabas upang pamahalaan ang PNSA sa susunod na apat na taon.

Ayon sa 41-anyos na negosyante at sportsman, kailangan na niyang bitiwan ang pamumuno sa asosasyon dahil marami rin siyang ibang pinagkakaabalahan at hindi na mahaharap ang responsibilidad kung mauupo pa bilang PNSA president.

“I will be doing a disservice to the association if I will continue to cling on my position while I’m out most of the time,” wika ni Romero na may-ari rin ng Harbour Centre.

Bukod sa negosyo na kinabibilanganan din ng AirAsia, kakain din ng malaki sa kanyang oras ang pagiging isang team owner sa PBA gamit ang koponang Globalport na nais na makabawi matapos ang ‘di magandang debut sa pro league sa Philippine Cup.

Napasok si Romero nang iniupo ng limang aggrupations sa shooting na shotgun, rifle, pistol, practical shooting at non-ISSF noong Hunyo 9, 2011 bilang kahalili ng nagbitiw na dating pangulong si Art Macapagal.

Idinagdag din ni Romero na aalis siya sa kanyang puwesto na masaya dahil buong puso niyang pinaglingkuran ang samahan at kontento sa nagawa.

Hindi man naibigay ang lahat ng kanyang plano, marami naman siyang naisakatuparan para mapaganda ang PNSA tulad ng paglalagay ng kauna-unahang electronic target system sa Marine Shooting Range, ang paglalagay ng merit system para sa ranking ng mga shooters, pagkakaroon ng website at ang pagpapalakas sa ‘di gaanong kilalang Bench Rest rifle group.

Lumabas din ang magandang samahan ng PNSA sa international bodies nang mapapayag si Asian Shooting Federation president Shiek Salman na iendorso si shotgun shooter Brian Rosario bilang wildcard sa London Olympics.

Kahit ang Southeast Asian Shooting Association (SEASA) ay maganda ang relasyon ng PNSA dahil napapayag ang grupo na ibigay sa bansa ang 2013 SEASA Shooting Championships.

Sa magaganap na PNSA election, ang limang grupo ay magno-nombra ng kanilang napipisil para bumuo sa 15-man board at ang mga mauupo ang siyang mag-nonombra kung sino ang magiging bagong opisyales na mauupo sa susunod na apat na taon.

ART MACAPAGAL

ASIAN SHOOTING FEDERATION

BENCH REST

BRIAN ROSARIO

HARBOUR CENTRE

LONDON OLYMPICS

MARINE SHOOTING RANGE

MIKEE ROMERO

PHILIPPINE CUP

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with