MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang maÂgandang takbo ng Gold Caviar nang manalo noÂong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Second choice ang naÂsabing kabayo sa pitong naglaban pero handa ang Gold Caviar at ang hineÂte nitong si Jan Alvin GuÂce na ipakita na sila ang may pinakamagandang konÂdisyon sa mga tuÂmakbo matapos hiyain ang hamon ng dehadong AbÂsolute.
Limang kabayo, kasama ang Gold Caviar, ang naÂsa unahan at nakaangat ng bahagya ang Blue MaÂterial bago hinataw ni Guce ang sakay na kaÂbayo para kunin ang liÂderato sa huling 75-metro ng 1,300m karera.
Pabulusok na rin ang daÂting ng Absolute ni apÂprentice jockey RA AliÂcante at pinalad itong maÂungusan ng kanyang ulo ang nakadikit na MaÂlambing para sa ikalaÂwang puwesto.
Ang Blue Material ang pumang-apat sa datiÂngan.
Umani ng premyong P179,958.00 mula sa P670,281.00 ang sales sa daily double ng kabayong pag-aari ni Hermie Esguerra at dahil dikit-dikit ang benta.
Ito ay umabot sa P58.50 ang dibidendo sa win, habang P91.50 ang igiÂÂÂnawad sa 3-6 forecast.
Nakatikim ng unang paÂnalo bilang isang three-year old ang kabaÂyong HelÂlo Mamsy sa pagÂdaÂdaÂla ni Rustico TelÂles na nangyari sa 3YO HanÂdiÂcap Race (02).
Ang anak ng Enjoyment at Andee’s Wind ay naghatid ng P19.50 sa win, habang ang 2-5 forecast ay naghatid ng P129.00 dibidendo.