MANILA, Philippines - Hinirang si Caloy GarÂÂcia, ang kasalukuyang asÂsistant coach sa Rain or Shine sa PBA, bilang baÂgong head coach ng Erase Xfoliant sa PBA D-League.
Binigyan ng appointment ni team owner Louie Gamboa si Garcia maÂtapos magsabi si coach Aric del Rosario na magÂpo-focus muna siya sa training ng Perpetual Help College Altas para sa 89th season ng NCAA.
Naigiya ni Del RosaÂrio, inakay ang UST Tigers sa ‘three-peat’ sa UAÂAP, ang Altas sa Final Four ng 88th NCAA.
“Masaya ako sa tiwaÂla na ibinigay sa akin ni Boss Louie. Kahit na daÂlawang laro na lang ang naÂtitira para sa Erase, I hope I can lead this team to a decent finish in this league,†wika ni Garcia.
“Nag-practice na ako kahapon, at okay naman ang adjustment ng mga plaÂyers,†sabi pa ni Garcia sa koponan ng Erase.
Ikinatuwa naman ni GamÂboa ang pagtanggap ni Garcia sa kanilang alok biÂlang mentor ng Erase.
“We’re happy to welcome Coach Caloy Garcia to our family. We have two games left, against JRU and Blackwater, and all I’m after is for me to see the boys fighÂting and doing their best,†ani Gamboa kay Garcia, daÂÂting mentor ng St. Benilde. “I’d be glad if we can salvage and win our last two games. I know na we’re out of the running.â€