UST pinayukod ang UP sa UAAP women’s volley

MANILA, Philippines - Umakyat ang UST sa ikatlong puwesto sa UAAP women’s volley­ball nang talunin ang UP, 26-24, 25-9, 19-25, 25-15, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Namayagpag ang Tig­resses sa spike, 50-36, at sa serve, 12-3, upang ka­tampukan ang dominanteng laro na tumagal ng isang oras at 14 minuto.

Si Maika Ortiz ay may­­roong 5 service aces pa­ra sa kanyang 16 puntos, habang may 13 kills patungo sa 15 puntos si Ju­dy Ann Caballejo  at nag-ambag ng 12 puntos, ka­sama ang 10 kills, si Ma. Carmela Tunay.

Naghatid pa ng limang service aces si Ma. Loren Lantin bukod sa 21 excellent set at ang UST ay umangat sa 5-3 karta.

May limang blocks patungo sa 11 puntos si Katherine Bersola, habang si Liezchel Tiu  ay may 10 puntos, lakip ang nine kills, pero kinapos si­la ng suporta at ang Lady Maroons ay bumaba sa 1-7 karta.

Samantala, lumawig sa ika-pitong sunod ang pag­papanalo ng Adamson sa softball nang kalusin ang Ateneo,12-5, na gina­wa sa Rizal Memorial Ball­park kahapon.

Kailangan na lamang ng nagdedepensang Lady Falcons na maipanalo ang huling limang la­ro para umabante sa Fi­nals at magkaroon ng ‘thrice-to-beat’ advantage.

Tinalo ng host Natio­nal University ang UE, 3-0, habang ang UST ay na­naig sa La Salle, 6-0, sa huling laro.

 

Show comments