Duncan iginiya ang Spurs sa panalo

SAN ANTONIO -- Halos 16 taon na ang nakarara­an nang manalo ang Warriors sa San Antonio.

Nangangahulugan na palaging panalo si Tim Duncan sa kanilang mga home game kontra sa Golden State.

Humakot si Duncan ng 24 points at 10 rebounds para banderahan ang Spurs sa 95-88 panalo laban sa Warriors at palawigin ang kanilang home winning streak sa 14 laro.

Natalo ang Warriors ng 28 sunod na laro sa San An­tonio.

“Don’t say that. Why do you say that?” pagbibiro ni Spurs guard Tony Parker sa kanilang ratsada laban sa Golden State. “We don’t really pay attention to those stats because every year is different, every team is different. Golden State is for real. They are a really, really good team. It’s going to be tough against them.”

Ang huling pagkakataon na nanalo ang Warriors sa San Antonio ay sa pamamagitan ng 108-94 paggi­ba sa Spurs noong Pebrero 14, 1997.

Matapos ang apat na buwan, pinili ng Spurs si Dun­can bilang top pick sa NBA draft.

Nagdagdag si Parker ng 25 points at 8 assists para sa San Antonio (31-11) at may NBA-best na 18-2 record sa kanilang tahanan.

May 19 markers naman si Tiago Splitter kasunod ang 13 ni Danny Green.

Umiskor si David Lee ng 22 points kasunod ang 21 ni Klay Thompson at 20 ni Jarrett Jack para sa Gol­den State (23-15).

Matapos manalo sa 13 nilang home games ng ave­rage na 16 points, rumatsada naman ang Spurs sa fourth quarter kontra sa Warriors para mapanatili ang ka­nilang arangkada.

 

Show comments