Kesa sa susunod niyang laban: Donaire mas excited sa kanyang magiging baby

MANILA, Philippines - Kung mayroon mang ki­nasasabikan si unified world super bantamweight champion Noni­to ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. ngayong taon, ito ay ang pagsilang ng kan­yang panganay na anak mula sa asawang si Ra­chel Marcial.

Kaya naman walang ba­lak lumaban ang 30-anyos na si Donaire sa bu­wan ng Hunyo hanggang Agosto.

“You should have seen the ultrasound,” kuwento ni Donaire sa panayam ng BoxingScene.com. “The baby was jumping and jumping, throwing a right hook. I think we have another fighter in the fa­mily.”

Tatlong buwan na ang anak ni Donaire sa tiyan ni Rachel.

Ang kuya ni Donaire na si Glenn ay isa ring pro­fessional fighter.   

Ngayon pa lamang ay may mga pangalan nang na­pili ang mag-asawang Do­naire para sa kanilang isi­silang na anak.

 â€œIf it’s a boy, his name will be Jarel. The letters in the name stands for Jun (Junior) and Rachel, Everlasting Love,” ani Do­naire. ‘“If it’s a girl, it’s still be Jarel, but we’ll add something to the end of the name.”

“Either ay, I’ll be happy. We wanted a baby this year, and it happened. I feel blessed,” dagdag pa ng tubong Talibon, Bohol.

Para naman sa kanyang laban ngayong 2013, wala pang opisyal na pa­ha­yag si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Ang dalawa sa pinakamatunog na posibleng labanan ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ay sina Abner Ma­res (25-0-1, 13 KOs) at Donaire kumpara sa sal­pukan nina Donaire at Guil­lermo Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ng Cuba.

Si Donaire, ang kasalu­kuyang World Bo­xing Or­ganization at International Boxing Federation super bantamweight king, ay na­sa kampo ng Top Rank, habang si Mares, ang super bantamweight titlist ng World Boxing Council, ay nasa bakuran ng Gol­den Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya.

Si Rigondeaux, isang two-time Olympic Games gold medalist para sa Cu­ba at ang WBA super bantamweight ruler, ay nasa promotion ng Top Rank at malaki ang tsansang siya ang makatapat ni Donaire.

Dahil sa kanyang apat na sunod na panalo sa taong 2012, hinirang si Do­naire ng ESPN.com at RingTV.com bilang 2012 Fighter of the Year.

Ang mga tinalo ni Do­naire noong nakaraang ta­on ay sina Wilfredo Vaz­quez, Jr. ng Puerto Ri­co, dating IBF king Jeffrey Ma­thebula ng South Afri­ca, Toshiaki Nishioka ng Ja­pan at Jor­ge Arce ng Mexico.

 

 

Show comments