MANILA, Philippines - Laban ni boxing superÂstar Manny Pacquiao gaÂgawin sa Maynila?
Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni PacÂquiao na susubukan niÂyang maitakda ang kanyang susunod na laban sa RiÂzal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila.
Ito ay sakaling wala nang makuhang venue paÂra sa kanyang pagbabalik sa boxing ring sa Abril.
“Nakasanayan na ApÂril (lumalaban tayo),†sabi ng 34-anyos na Sarangani Congressman. “Sisikapin natin na (dito gawin) sa Pilipinas. Kung dito sa PiÂlipinas, baka sa Rizal Memorial Stadium.â€
Sinabi na kamakalawa ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na malabong magkaroon ng laban sa AbÂril ang Filipino world eight-division champion.
Ayon kay Arum, waÂlang venue para sa natuÂrang tune-up fight ni PacÂquiao na sinasabing muÂling haharapin si Juan Manuel Marquez sa SetÂyembre.
“Manny was going to fight in April, but now, it doesn’t look like he is going to fight in April. He won’t fight until SeptemÂber,†wika ng boxing proÂmoter sa panayam ng RingTV.com.
Pinatumba ng 39-anÂyos na si Marquez si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaÂapat na pagtatagpo noÂÂong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Pinapunta na ni Pacquiao ang kanyang Canadian adviser na si Michael Koncz sa Singapore para sa mga posibleng pagdauÂsan ng kanyang laban sa AbÂril.
Bukod sa Singapore, tiÂnitingnan din ni Arum ang mga lugar sa Macau, Dubai at Mexico.
“Macau has one arena that’s suitable, and that’s in the Venetian. (Top Rank preÂsident) Todd duBoef went over to Macau to arrange for a Pacquiao fight in April, and, unfortunately, a Korean pop star had signed a contract for the builÂding for most of ApÂril,†ani Arum.