^

PM Sports

Manny balak lumaban sa Abril: Pinag-iisipang gawin sa Rizal Memorial Stadium

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Laban ni boxing super­star Manny Pacquiao ga­gawin sa Maynila?

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Pac­quiao na susubukan ni­yang maitakda ang kanyang susunod na laban sa Ri­zal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila.

Ito ay sakaling wala nang makuhang venue pa­ra sa kanyang pagbabalik sa boxing ring sa Abril.

“Nakasanayan na Ap­ril (lumalaban tayo),” sabi ng 34-anyos na Sarangani Congressman. “Sisikapin natin na (dito gawin) sa Pilipinas. Kung dito sa Pi­lipinas, baka sa Rizal Memorial Stadium.”

Sinabi na kamakalawa ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na malabong magkaroon ng laban sa Ab­ril ang Filipino world eight-division champion.

Ayon kay Arum, wa­lang venue para sa natu­rang tune-up fight ni Pac­quiao na sinasabing mu­ling haharapin si Juan Manuel Marquez sa Set­yembre.

“Manny was going to fight in April, but now, it doesn’t look like he is going to fight in April. He won’t fight until Septem­ber,” wika ng boxing pro­moter sa panayam ng RingTV.com.

Pinatumba ng 39-an­yos na si Marquez si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ika­apat na pagtatagpo no­­ong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

 Pinapunta na ni Pacquiao ang kanyang Canadian adviser na si Michael Koncz sa Singapore para sa mga posibleng pagdau­san ng kanyang laban sa Ab­ril.

Bukod sa Singapore, ti­nitingnan din ni Arum ang mga lugar sa Macau, Dubai at Mexico.

“Macau has one arena that’s suitable, and that’s in the Venetian. (Top Rank pre­sident) Todd duBoef went over to Macau to arrange for a Pacquiao fight in April, and, unfortunately, a Korean pop star had signed a contract for the buil­ding for most of Ap­ril,” ani Arum.

 

BOB ARUM

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MACAU

MEMORIAL STADIUM

MICHAEL KONCZ

PACQUIAO

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with