MANILA, Philippines - Lumapit ang Ateneo sa pagwalis sa first round ng UAAP Season 75 baseball tournament mula sa kanilang 11-3 pagdurog sa University of Santo ToÂmas noong Huwebes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Matapos iwanan ng daÂlawang runs, kinuha naÂman ng Blue Eagles ang 3-2 abante mula sa pagÂbibida nina Bocc Bernardo, Leandro Banzon, Matt Laurel, Migi Santos at Dio Remollo.
Ang double ni BernarÂdo ang nagpaiskor kina Banzon at Laurel para ibaÂÂon ng Ateneo ang UST sa 7–2.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Blue Eagles, haharapin ang nagÂÂdedepensang National UniÂversity Bulldogs ngaÂyong araw.
Winalis din ng Ateneo ang first round noong nakaraang season.
Ngunit nabigo sila sa Bulldogs sa best-of-three championship series.
Tinalo naman ng NU ang La Salle, 17-7.