Laro Ngayon
(Filoil Flying V Arena)
8 a.m. AdU vs UE (men)
9:30 a.m. NU vs UST (men)
2 p.m. UST vs UP (women)
3:30 p.m. DLSU vs NU (women)
MANILA, Philippines - Nanggaling sa isang five-set win laban sa AteÂneo, target ng nagdeÂdepensang La Salle ang liderato sa pakikipagÂharap sa National UniverÂsity sa pagsisimula ng seÂcond round ng UAAP SeaÂson 75 women’s volÂleyÂball tournament.
Lalabanan ng Lady ArÂchers (6-1) ang Lady BulÂldogs (4-3) ngayong alas-3:30 ng hapon sa FilÂoil Flying V Arena sa San Juan.
Magtatapat naman ang University of Santo ToÂmas (4-3) at ang UniÂverÂsity of the Philippines (1-6) sa alas-2.
Matapos matalo sa TigÂresses, anim na sunod na panalo ang inilista ng Lady Archers, kabilang ang isang 26-28, 21-25, 25-13, 25-21, 15-13 panalo kontra sa mga Lady Eagles sa pagtatapos ng first round.