Knicks wagi sa Pistons sa London
LONDON -- Nagbalik sa London at sa basketball court, muling ipinakita ni Carmelo Anthony ang kanyang husay.
Ang Knicks star ang naging main attraction sa O2 Arena noong Huwebes limang buwan matapos niÂyang tulungan ang United States na makamit ang Olympic gold medal.
Ngayon, iginiya naman niya ang New York Knicks sa 102-87 panalo kontra sa Detroit Pistons sa third regular-season NBA game sa British capital.
“It felt good out there,†sabi ni Anthony, tumipa ng 18 points sa first half para sa paglayo ng Knicks (25-13) sa Pistons. “I definitely had some flashbacks out there. Running out there on the court, just being in the O2 Arena.â€
Bahagi ng magandang inilaro ni Anthony laban sa PisÂtons (14-25) ay ang kanyang diet.
Kamakailan ay tinapos niya ang isang two-week fasting period at malaki ang naitulong nito sa kanyang lakas.
“I felt better than I was the last couple of games,†ani Anthony. “I’m back eating right, eating what I’m supposed to be eating.â€
Umiiskor ngayon si Anthony ng higit sa 20 points sa pang-25 sunod na laro na pinakamahaba sa kanyang career.
“He got off to such a hot start, and then he just kind of played as the game came to him,†sabi ni Knicks coach Mike Woodson. “He was getting double-teamed and I thought he did a great job in sacrificing the basketball, which he has to do.â€
Nagdagdag naman si Amare Stoudemire ng 17 points para sa Knicks kasunod ang 16 ni J.R. Smith.
Nag-ambag si Will Bynum ng 22 points para sa Detroit.
- Latest