Para sa PBA Commissioner’s Cup: Import ng Talk ‘N Text dumating kahapon

MANILA, Philippines - Dumating kahapon ng umaga si Keith Benson upang tulungan ang PBA Phi­lippine Cup champion Talk N’Text sa hanap na ika­lawang sunod na titulo sa taong ito.

May taas na 6-foot-10 at tumitimbang ng 230 pounds ang 24-anyos na si Benson at kondisyon ang dating NBA draft pick matapos maglaro sa Sixous Falls Skyforce at Erie BayHawks sa NBA D-League noong nakaraang taon.

“He arrived this mor­ning but I haven’t seen him play except reading re­ports from the internet,” wi­ka ni Tropang Texters head coach Norman Black sa SCOOP sa Ka­ma­yan sa Padre Faura.

Isang problema na da­pat na maayos ni Black sa Commissioner’s Cup ay ang chemistry ng kanyang koponan dahil hindi agad na mag-eensayo ang team bu­nga ng pangangaila­ngang mamahinga matapos ang matagumpay pero na­kakapagod  na kampanya sa first conference.

Sa plano ni Black, ang Tropang Texters ay babalik sa ensayo sa Enero 31 at si Benson ay plano niyang isama sa pagsasanay ng NLEX at Ateneo.

Ang NLEX at Ateneo ay parehong tinutulungan ni Manny V. Pangilinan na siyang team owner ng Talk N’Text.

“I just hope that he is really good because teams that has import from the start of the conference until the end usually wound up as champions,” wika  ni Black kaugnay sa ibu­buga ni Ben­son.

 

Show comments