Wala nang kawala sa Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Winalis ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine sa tono ng g 105-82 pananalasa sa Game 4 ng 2012-13 PBA Philippine Cup championship para mahanay sa mga pinakamagagaling na all-Filipino teams sa buong 38 taong kasaysayan ng PBA.
Nagwagi sa best-of-seven finals ang Tropang Texters, 4-0, para sa pang-apat lamang na title sweep sa buong kasaysayan ng liga at maging unang koponan sa loob ng nakaraang 29 taon at pangalawang koponan lamang na manalo ng tatlong sunod na all-Filipino conference na ginawa ng Crispa na nanalo ng apat na sunod mula 1979 hanggang 1985.
Ito sa katunayan ang pang-apat na titulo sa Phi-lippine Cup ng Talk ‘N Text sa huling nakaraang limang seasons at pang-anim overall ng prangkisa.
Pang-11 naman na titulong ito sa PBA ni TNT head coach Norman Black na pagkatapos bigyan ang Ateneo ng limang sunod na UAAP titles ay naging arkitekto naman ng three-peat ng prangkisa ni Manny V. Pangilinan.
Nireserba ng Tropang Texters ang kanilang pinakamagandang laro sa title-clinching game na ito kung saan nagtala sila ng league conference-high 14 triples at 34 assists na nagresulta sa anim na players na umiskor ng double figures sa pangu-nguna ng 19 ni Ranidel de Ocampo.
Nagdagdag ng sampung rebounds at pitong assists si de Ocampo bukod pa sa isang 5-of-7 shooting mula sa three-point range para mahirang na Papa John’s Finals Most Valuable Player ng PBA Press Corps.
Sa unang tatlo’t kalahating minuto lamang ng laro nakalamang ang Elasto Painters sa 7-4 pagkatapos ng mainit na simula nina Jeff Chan at Larry Rodiguez.
- Latest