^

PM Sports

Marquez may alok sa mayamang prinsipe na lumaban sa Dubai

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Determinado ang isang mayamang prinsipe sa Dubai na mapanood kung paano lumaban si Juan Manuel Marquez matapos niyang patumbahin si Manny Pacquiao sa sixth round sa kanilang pang-apat na paghaharap noong Dis-yembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kaya naman nag-alok ito ng $15 milyon para dalhin ang laban ng 39-anyos na si Marquez sa Dubai sa Marso.

Ito ang ibinunyag kahapon ni trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain sa pa-nayam ng BoxingScene.com kung saan itinatapat si Marquez kay World Boxing Federation light welterweight champion Zolani Marali ng South Africa.

Ang laban ni Marquez ((54-6-0, 39 KOs) kay Marali (22-5-0, 13 KOs) ang maaaring maging pinakamalaking prem-yong matatanggap ng Mexican fighter sa kanyang boxing career.

Sa kanyang sixth-round KO win kontra sa 34-anyos na si Pacquiao noong Disyembre 8, tumanggap si Marquez ng guaranteed prize money na $3 milyon kumpara sa $25 milyon ng Sarangani Congressman.

Bagama’t malaki ang alok sa Dubai, sinabi ni Beristain na sina promo-ters Bob Arum ng Top Rank at Fernando Beltran ng Zanfer Promotions ang siya pa ring may hawak ng desisyon kung sino ang dapat labanan ni Marquez.

“It has a formal offer of $15 million to fight in Dubai, but Bob Arum and Fernando Beltran have priority,” sabi ni Beristain sa alok na premyo ni WBF president Howard Goldberg, sikat sa Europe at Africa, para sa Marquez-Marali fight sa Marso.

“I think that is not enough time for Juan to fight, because he is usually prepared very well and he knows he cannot go into a fight with little preparation,” ani Beristain sa laban ni Marquez kay Marali sa Marso. “So I do not think anything will happen on that date.”

Gusto ng 81-anyos na si Arum na itakda ang pang-limang salpukan nina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Marquez sa Set-yembre.

BERISTAIN

BOB ARUM

BOB ARUM AND FERNANDO BELTRAN

DUBAI

FERNANDO BELTRAN

HOWARD GOLDBERG

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with