^

PM Sports

4 teams wala pang import na ipaparada sa Commissioner’s Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos tatlong linggo na lamang ang natitira para sa ilang koponan na mag­hanap ng import at ma-ensayo ng husto kasama ng kanyang mga local team­mates bilang paghahanda sa dara­ting na PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Feb. 8.

Sa ngayon ay may apat pang kopo­nang wala pang import para sa dara­ting na second conference kung saan walang height limit ang im­ports.

Ang mga ito ay ang defending PBA Com­missioner’s Cup champion na San Mig Coffee, Talk ‘N Text, Air21 at Alaska.

Nais ibalik ng Mixers si Denzel Bowles na naging malaking bagay sa ka­nilang pagkampeon noong nakaraang season pero naglalaro pa ito sa China kung kaya’t naghahanap pa sila sa kasalukuyan.

Si Smart Gilas naturalized player at dating Air21 import Marcus Dout­hit ang kinokonsidera ng Tropang Tex­ters dahil sa kanyang experience sa paglalaro sa bansa bukod pa sa kanyang pagiging pamilyar sa ilang pla­yers ng TNT na naglaro na dati para sa National team.

Pero nagbago na ang isip ng Talk ‘N Text sa kanya para makapaghanda la­lo si Douthit sa darating na kampanya ng bansa sa FIBA-Asia Championships sa Agosto sa Maynila.

Balitang pinag-iisipang pabalikin ng Aces ang mga dating imports nitong si­na Diamon Simpson na pinagkampeon ang koponan sa 2010 Fiesta Conference at maging si Adam Parada.

Pero hanggang sa sinusulat ang pitak na ito ay wala pa rin silang kasiguraduhan kina Simpson at Parada.

Si dating Memphis Grizzly Michael Du­nigan naman ang kausap ng Air21.

Ang mga koponang nakakalamang na at nag-eensayo kasama ang kani-ka­nilang mga imports sa kasalukuyan ay ang Barangay Ginebra San Miguel sa pi­ling ni Herbert Hill at Petron Blaze na may Renaldo Balkman.

Parating naman kagabi si 7-3 Bruno Sundov para sa Rain or Shine, ang ma­gi­ging pinakamatangkad na import sa bu­ong kasaysayan ng PBA.

Ang iba pang koponang may imports na pero parating pa lamang ay ang Glo­balport (Justin Williams), Barako Bull (Evan Brock) at Meralco (Eric Daw­son).

(FMangonon III)

vuukle comment

ADAM PARADA

ASIA CHAMPIONSHIPS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL

BRUNO SUNDOV

DENZEL BOWLES

DIAMON SIMPSON

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with