CLEVELAND – Inoperahan si Cavaliers center Anderson Varejao para ayusin ang naputol na muscle sa binti na magiging dahilan ng kanyang pagkawala ng inaasahang aabot sa dalawang buwan.
Naoperahan si Varejao nitong Huwebes sa The Cleveland Clinic. Sinabi ng team ng nagpapahinga ito ng maayos at mananatili sa clinic ng isang gabi.
Si Varejao, ang NBA leading rebounder, ay hindi nakakalaro sapul noong madisgrasya sa Toronto noong Dec. 18.
Noong una, ang akala ay maliit lang ang pinsala ngunit matapos ang masusing pagsusuri, nakitang may punit ang quadriceps muscle niya malapit sa kanang tuhod.
Inaasahang mawawala ito ng hindi bababa sa anim na linggo.
Si Varejao ay nag-miss na ng 100 games nitong huling tatlong seasons dahil sa injuries.
Si Varejao ay nag-a-average ng 14.1 points at 14.4 rebounds.